Tuesday, September 17, 2013

Random Things Na Nami-Miss Ko (Part 2)

Part 1: ViewMaster, Family Computer, Gee! Your Hair Smells Terrific, Magic Spring, Gumamela Bubbles

Matapos ang premier episode ng "Random Things Na Nami-Miss Ko," 'eto na ang ikalawang yugto. Mas random, mga pare.

1) Multiplex cassette tapes


Ngayon, meron na tayong iTunes at mga smartphones na kayang magpatugtog ng mp3s - digital, high def! Pero noon, tiyak na nagkaroon ang mga uncle mo nito. 4-in-1 cassette tapes nila Sharon Cuneta, Rey Valera, Bee Gess, at 'yung mga kindergarten songs. May "minus one" pa nga na kung saan e tatanggalin ang boses ng nasa tape para pwede mo itong sabayan gamit ang mikropono at ang lyrics na nakapaloob kasama ng multiplex. Andami naming drawers na napuno ng mga 'to. Sana buhay pa sila para memento talaga.

2) 'Yung relo sa RPN 9


...at pati na rin 'yung mga programa sa dating channel na ito. Everytime na vini-visualize ko 'yung relo sa RPN 9 dati, isa sa mga naalala ko e 'yung EDSA Revolution. Ewan ko kung bakit, e 2 years old pa lang ako nu'ng time na 'yon. Pero dati, walang kaming palya sa panonood ng NewsWatch. Speaking of which, ano na ba ang nangyari kay Angelique Lazo, na laging nagbabalita ng showbiz? Mula sa Dragon Ball Z hanggang sa mga Chinese na programa tuwing Sunday morning, lagi nagpapa-alala ang RPN 9 kung anong oras na.

3) 3 o'clock habit ('yung luma, 'yung may boses baritone)


Hindi ko na alam kung ano na hitsura ng 3 o'clock habit ngayon, pero ang kinalakihan ko e 'yung itong video na ito. Baritone ang boses, at talagang mag-iiwan ng lasting memory sa henerasyon ko. Dati, memorize ko pa 'yan hanggang du'n sa part na tungkol kay Blessed Sister Faustina. Actually, ang 3 o'clock habit din ang cue ko na pwede na akong gumising pagkatapos akong patulugin ng magulang ko. Alam mo na, palo kapag hindi tulog tanghali.

4) Pritos Rings

Ang alam ko naka-tsamba pa ako nito nu'ng early 2000s e. Hindi ko lang maalala kung saan ko nabili 'yon. At lalong hindi ko alam kung meron pa ba nito hanggang ngayon. Kung meron man sa inyo ang nakaka-alam kung saan pa ba nakakabili nito ay ipagbigay-alam lang sa akin. 80s kid ka talaga kung isinusuot mo 'yung mga rings sa daliri mo bago mo kainin isa-isa.


Source: I Am The Creek

5) Naka-boteng Magnolia Chocolait

Hindi ako sigurado kung inilalako ito sa Manila dati. Sa Cavite kasi ako lumaki, at sa subdivision namin duon e talagang inilalako sa side-car ang bote-boteng Magnolia Chocolait. Mukhang hindi naman nagbago ang lasa ng chocolate drink na ito hanggang ngayon. Pero ang mas astig noon, ginagawa namin itong lalagyan ng tubig kapag naubos na 'yung tsokolate.


O, may mga susunod pang yugto ng pagbabalik-tanaw. Abangan!

Picture Of The Day


Yep. Sure! (Monday Thru Friday)

Tuesday, September 3, 2013

Para Kay Darling

Para Kay Darling
ni Jakey Junkie

Nu'ng una kitang makita,
"Pwede na 'to," sabi ko pa.
Hindi ko pa inakala
Na ako'y mahahalina.

Ilang buwan pa ang nagdaan,
'di masyado nagpansinan.
Ako'y sinusupladahan,
At ika'y hinahangaan.

Sa ngiti mo, ako'y wasak.
Sa boses mo, ako'y biyak.
Puso ko'y iyo nang hawak,
Mukha man akong bayawak.

'Pag ang boses mo'y narinig,
Sadya akong kinikilig.
Si Jinri Park iyong daig.
Ikaw lang ang nananaig.

Panalangin ng puso ko,
Ako nama'y pansinin mo.
Dahil ako ay seryoso.
Ikaw lang ang aking gusto.

Ba't ang hirap mo ligawan?
Ika'y hindi maunawaan.
Isip mo'y 'di ko malaman.
Trip lang ako pahirapan?

Ang tanging bisyo ko'y ito:
Ibigin ka, buong-buo.
Walang maipapangako
Kundi ligaya lang, oo.

Ikaw ang nag-iisang darling.
Ako nga'y nahuhumaling.
Kailan ka makakapiling
At magkaro'n na ng supling?

Ay, joke lang 'yung huling linya.
At seryoso, mahal kita.
Gusto kang yakapin, sinta,
Gabi at hanggang umaga.


Picture Of The Day


Exactly my point. Monday Thru Friday

Monday, August 26, 2013

Bossa Nova Brasileiro

Whenever I want to:

1) Concentrate at work,
2) Enjoy my cup of coffee with a soothing background music,
3) Chill in the cold, rainy weather,
4) Relax until I sleep at night,

I listen to bossa nova. And when I say bossa nova, it means the "authentic, faithful" kind of bossa nova. I did a bit of research about it and learned that this genre traces its routes to Brazil. I was also able to listen to some of the recommended bossa nova artists, and there's this particular one who really got my attention. His name is Antônio Carlos Jobim, who's also known as Tom Jobim. If I'm not mistaken, he is regarded as one of the fathers of bossa nova.

Yeah, for some, I may be already late to discover his music. But what the heck.

So, if you would also like to do any of the above in the list and would also like to acommpany it with bossa nova, here are three songs from Jobim I recommend you start with (ready with your headset):

1) Você Vai Ver - This one NEVER FAILS to get me into the mood.



2) The Girl from Ipanema - I think this is THE QUINTESSENTIAL bossa nova song. The version below is the one with collaborators Joao Gilberto, Astrud Gilberto, and Stan Getz. He has his own solo version.

Additional Edit: That "girl from Ipanema" is actually a real person. Her name is Heloísa Pinheiro.



3) Two Kites - A feel-good bossa nova song. The lyrics are quirky.



Go ahead, listen to those and tell me through the comments section how you find these songs. If you also have any bossa nova song suggestions, let me know too.

PS: If you genuinely did enjoy the three songs I gave you, here's a bonus:

4) Dreamer - "Why are my eyes always full of this vision of you? Why do I dream silly dreams that I fear won't come true?"





PPS: I won't post any Picture of the Day so your mood wouldn't be derailed.
PPPS: Oh wow, I actually blogged in English!

Thursday, July 25, 2013

Random Things Na Nami-Miss Ko (Part 1)

Madalas naiisip ko, nasaan na ba 'yung mga kinagigiliwan naming mga laruan, pagkain, at TV shows dati?

Kung ako ang tatanungin, maswerte ang mga bata ngayon dahil lumalaki sila kasabay ng mga gadgets at smartphones, at sa mga palabas na para sa iba ay nakakakunot na ng noo. Pero mas maswerte pa rin kaming nga 80s babies kasi imbes na nakatanga kami sa Facebook, andu'n kami sa labas at naglalaro, at mas astig ang mga palabas noon sa TV (biased?!).

ViewMaster

ViewMaster
Source: Snapily

Ang laruan na ito ang isa sa mga makakapag-legitimize na ikaw ay isang 80s baby. Ang laruan ding ito ay isa sa mga bragging rights na ipinang-iingit mo sa mga kalaro mo (at kadalasang pinagmumulan ng gulo). Sa pagkaka-alala ko e nagkaroon ako ng mga Viewmasters na Disney ang mga main characters. Bukod sa suking tindahan, ang alam ko ay inilalako din ito sa isang kariton na kelangang magbayad ang mga bata para makabunot. Kulay red yata 'yung ViewMaster ko. At sa bawat pagsilip ko dito, parang nate-teleport din ako patungo sa ibang dimensyon. Asan na kaya 'yon?

Family Computer


Aba siyempre. May unwritten house rule para sa akin dati. Hindi ako pwedeng maglaro ng Family Computer kapag hindi ako natulog sa tanghali. At laging alas-kwatro ako ng hapon nagsisimulang maglaro. Actually, utang ko sa Family Computer ngayon kaya lagi akong tumatagal sa Tetris. Naalala mo pa ba ang mga larong Battle City, Ice Climber, City Connect, Mappy, The Goonies, Road Fighter, Donkey Kong, Karateka, Pooyan. At dahil ako 'yung panganay, ako lagi 'yung Player 1.

Gee! Your Hair Smells Terrific!


Hindi ko na ma-confirm kung talagang mabango ang buhok mo buong araw kapag gumamit ka ng shampoo na ito. Pero ang naalala ko e astig ka kapag ito 'yung shampoo mo. Teka, special mention din pala dito 'yung Johnson's Baby Shampoo (with No More Tears formula!) na kulay ginto. Pero, mas memorable pa rin para sa akin 'yung GYHST. I think 'yung kulay blue na bote ang mas madalas naming gamitin. Ah okay, ito rin pala ang pabango ng crush ko nu'ng Grade 3 pa kami!

Magic Spring


Sino ba naman ang hindi makakalimot sa craze na ito nu'ng 90s (at elementary student ka)? Nagsimula sa isa, sa dalawa, hanggang sa naglipana na sa buong classroom ang laruan na ito. Tapos nagkalat din ang mga nagtitinda nito sa kalsada. Ang alam ko, may mga variety of sizes pa nga 'yan. Pero ang malupit na stunt na ginagawa ko dito noon e 'yung papababain ko siya sa hagdan ng school namin. Hindi na ako sure kung kaya ko pa gawin 'yan ngayon.

Gumamela Bubbles


Source: Wikipedia

Madalas kaming namimitas ng bulaklak ng gumamela sa may kapitbahay namin. Pero siyempre hindi kami papahuli. Tapos ibababad namin ang mga gumamela sa tubig, lalagyan ng Tide Ultra, dudurugin, at hahaluin. Yehey, bubbles! Nakakapang-recall ng pagkabata ko ang mga bulaklak ng kalachuchi (mabango) at santan (may sisipsipin duon) pero lasting memory para sa akin 'yung gumamela at ang paggawa ng bubbles. Ngayon sabihin niyo, ginawa niyo rin ba ito?

Abangan ang mga susunod pang yugto ng mga random things na nami-miss ko. Kung meron din naman kayong mga bagay na nakakapagpa-alala ng inyong kabataan ay sabihin lamang sa comments at ibahagi sa akin. Baka kasi alam ko rin 'yan at isulat ko na rin sa mga susunod pang episode, tulad ng Vicor multiplex, 'yung relo sa RPN 9, 3 o'clock habit, 'yung pencil case na may maze, at iba pa. Astig!

Picture Of The Day


The Coffee Cycle! (Monday Thru Friday)

Music: VST & Company - Step No, Step Yes
Mood: Blank

Sunday, July 14, 2013

Jakey Junkie's Manila Sound

(Edit: Kaya pala ang dali kong naisulat ito, Sunday pala kasi ngayon.)

Hindi ko naman ikinakahiya kung ilang taon na ako. 29 na yata ako sa darating na Disyembre.

At dahil diyan, ang isa sa mga trip ko talagang tugtugan e 'yung tinatawag na "Manila Sound." 'Eto 'yung mga kantang uso bago dumating ang OPM as we know it. Actually, 'yung iba sa mga hindi ko pinagsasawaang tunog e 'yung galing sa mga panahong bago pa ako pinanganak. Hindi ko pa rin maipaliwanag ngayon kumbakit trip na trip ko ang tugtugan oldies. Siguro kasi, hindi naman nating maikakaila na iba na ang OPM ngayon.

Nu'ng isang araw na gumawa ako ng playlist sa opisina namin, 'eto ang mga masasabi kong "personal favorites" ng Manila Sound, at naglagay din ako ng ilan sa mga kanta nila para (1) ma-refresh ang memory niyo, (2) sa mga 90s babies na hindi alam ang mga artists at mga kanta ng panahong ito, at (3) aminin na ganu'n na talaga ako katanda:

VST and Company

1) Rock Baby Rock
2) Awitin Mo, Isasayaw Ko
3) Ikaw Ang Aking Mahal
4) Ipagpatawad Mo
5) Magsayawan

The Boyfriends

1) Dahil Mahal Kita
2) Nais Kong Malaman Mo
3) Sumayaw, Sumunod
4) Bakit Labis Kitang Mahal
5) Dance With Me

Hotdog

1) Manila
2) O, Lumapit Ka
3) Miss Universe Ng Buhay Ko
4) Bongga Ka 'Day
5) Annie Batungbakal

Kulang na kulang pa 'yan. Wala pa diyan 'yung sa Asin, Sampaguita, APO Hiking Society, Rey Valera, Cinderella, at marami pang iba.

Sa ngayon, baka naririnig mo na lang itong kinakanta sa videoke ng mga uncle mo.

Picture Of The Day



Music: Hotdog - Annie Batungbakal
Mood: Complacent.

Sunday, June 9, 2013

Micro-Kwento #9: Candid Crush

Nag-aabaang ako ng elevator sa ground floor ng building kung saan kami nag-oopisina. Maaga pa naman at walang dahilan para magmadali. Ang problema lang e bakit parang napakahaba ng pila dito. Ayaw ko pa naman ng ganito, and for some reason, hindi ako pasensyoso sa mga ganitong bagay. O siguro, dahil sa stress na hatid ng trabaho lately kaya naging iritable ako.

Iniisip ko ang lahat ng ito nang may tao na bumangga sa likuran ko. Alam kong babae ang nakabangga sa akin. Kasi, sa pagkakabangga niya ay hindi ko sinasadyang masiko ang kanyang dibdib. Naramdaman ng siko ko ang buong shape ng kanyang dibdib nang bahagya itong kumiskis. Wala namang bahid ng kamanyakan at talagang hindi sinasadya 'yon.

May mas malaki pa kasing issue kaysa diyan.

Ang bumangga pala sa akin ay..., siya. Sa dinadi-dami ng mga magagandang babae sa opisina namin, sa kanya lang ako nahumaling. Siya ang kaisa-isang crush ko sa office. Ano bang masasabi ko... nasagi ko ang boobs ng crush ko.

"Ay shit, sorry. Hindi ko talaga sinasadya 'yon." Alam naming dalawa ang nangyari. It can't be ignored. At bilang pagpapakita ng sensitivity, kinailangan kong mag-sorry. Kumbaga, sabi nga sa isang kanta, "'di naman ako manyakis 'tulad ng iba."

"Ah, okay lang. Ano namang mababangga mo diyan, e puro 'padding' lang 'yan." Ngumiti siyang sumagot.

'Tangina, ang cute niya talaga.

"Ano ka ba, wala naman talagang kaso--" Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko talaga dapat, at bigla kong inisip kung paano ko ba sasabihin sa paraang hindi siya masasaktan o mas magiging conscious sa kanyang size.

"Si Anne Curtis naman tsaka si Kim Chiu, maganda naman sila even if they have small boobs." Putangina, ano ba itong nasabi ko?!

"Ano?!"

"Ah, well. Let's just say that I have a thing for petite ladies." Sana umubra na ito.

Ngumiti siya. Ngumiti din ako. Ang awkward. Nasira ko na ba ang self-confidence niya?

At sa puntong ito, I had to make a bold statement. I had to make a move. I had to save my ass.

"Alam mo, crush na crush kita. Since last year pa. I'm attracted to you as you are. I like you. You basically don't need to change anything. You're cute, and you make my heart melt."

One second. Two seconds. Five seconds. Nagkatinginan kami sa mata. She smiled. I smiled. I can just see her warm smile - her braces-laden teeth.

Hanggang sa na-realize naming kami na lang dalawa ang nasa ground floor at hindi na namalayang may dumaan nang elevator at nagsipag-akyatan na 'yung mga tao.

Pinindot ko ulet 'yung elevator button. Natahimik lang kaming dalawa.

A couple of minutes later, we were making out inside the elevator. Ang pinakamatamis na halik ay ang mga halik ng crush ko.

(NOTE: Kung nakapagbasa ka na ng mga nauna kong "Micro-Kwento," alam mong hindi hango sa totoong buhay ang kwentong ito.)



Picture Of The Day



Mood: Sick
Quote: "Taken ka nga, for granted naman."

Monday, February 25, 2013

Kwentong Tanga

Nagmamadali akong umalis sa bahay isang umaga. Male-late na naman ako sa opisina, at sa pagkaka-alam ko nu'n e isang late na lang e ga-graduate na ako.

'Yung normal kong 45 minutes sa banyo para maligo, naging 15 minutes na lang. Pagkatapos, nagmamadali na akong magbihis. Medyo natagalan pa rin akong pumili ng isusuot pero alam kong kukulangin na ako sa oras. Nagsuklay, nagpabango, at kinuha na ang mga gamit na regular nang nakikita sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ako umaalis hangga't walang mga bagay na ito sa pantalon ko: mobile phone, panyo, lighter, wallet.

So tapos na ako magbihis, 'di ba? Pinatay ko na ang lahat ng appliances ko sa kwartong inuupahan ko, dali-daling lumabas, lumakad na semi-takbo hanggang sa terminal, at sumakay sa jeep.

Ano'ng oras kaya ako makakadating sa office? Ilang minuto na lang ang meron ako? Dumukot ako sa bulsa ko para tingnan ang telepono ko. Nanlaki ang mga mata sa nadukot ko.

Remote control ng cable TV.



Picture Of The Day


True story.

Music: None.
Mood: Semi-optimistic.

Wednesday, January 2, 2013

Migratory Bords

Siyempre, bagong taon. Kaya dapat meron tayong dapat isipin na gusto nating gawing bago para sa sarili natin. Ako 'yung tanungin mo, "simple pero rock" ang plano ko. Sa totoo lang, nu'ng 2011 ko pa naisip gawin ito. At naisip kong dapat ko nang maisakatuparan ang matagal ko nang ninanais.

Naisip ko na kasing mag-relocate sa probinsya. Dalawang lugar ang pinag-iisipan ko nang malalim ngayon, at sa kasalukuyan e nililista ko na lang ang pros at cons ng bawat lugar. At ang mga pinagpipilian ko ay dalawa: Baguio City at Davao City.

Sa oras ng pagkakasulat nito, ang mga ito ang mga pros at cons:

Baguio City

* PRO: Siyempre, unang-una na diyan ang weather. Malamig halos buong taon. Sige na, okay lang kahit wala akong kayakap, pero ang isa sa mga dahilan kumbakit binalik-balikan ko ang Baguio City e 'yung temperaturang madalas e mas mababa pa sa 25 degress Centigrade.

* PRO: Walang diyalektong dapat pang pag-aralan. Sana.

* PRO: Mababang cost of living. Para sa isang tao na nasanay na sa 40 pesos na flag-down sa taxi, sobrang balita sa akin ang 25 pesos na flag-down. Mura din ang pagkain at sagana pa sa gulay.

* PRO: Parang madami akong pwedeng tambayan duon, lalo na sa may Session Road.

* PRO: Kahit matagal ang biyahe, hindi naman kailangang bumili ng mahal na airfare kung kailangan kong bumalik sa Maynila. Kung sakaling magbago ako bigla ng isip, parang nag-Ctrl+Z lang ako sa isang bus trip pabalik.

* PRO: Maraming ganito:



* CON: Wala akong kilala kahit isa.

* CON: Hindi ko alam ha, pero mukhang mahirap yatang maghanap ng trabaho dito.

Davao City

* PRO: 'Di hamak na mas ligtas na lugar. Dito kasi sa Metro Manila, wala tayong (Vice) Mayor Duterte. Napaka-disiplinado ng mga tao duon. 'Yung mga taxi drivers, required ipaskil ang mga malalaking IDs nila. Kahit saan ka magpunta, may mga pulis.

* PRO: Katulad din naman sa Baguio City, mararami at masasarap ang pagkain dito. 'Tangina, all-you-can-eat na alimango?

* PRO: Samal Island. Isang tanggalan lang ng buhok sa ilong, nasa bakasyunan na agad ako. Parang mas accessible din sa mga beaches. Bukod din naman sa mga beaches, marami-raming pwedeng gawin sa Davao City - zipline, kung anu-anong adventures.

* CON: Kailangan ko pang matutong magsalita ng Bisaya. Sa totoo lang, gusto ko talagang matutunan 'yan e, kaya hindi naman siya eksaktong CON. Kaya lang, malakihang adjustment pa ang dapat mangyari at kailangan pa ng oras.

* CON: Parang masyadong malaki para sa isang baguhan na katulad ko ang lugar na ito. Tatapatin ko na kayo: nu'ng kelan ko lang nalaman na mas malaki pa ang Davao City kaysa buong Metro Manila. Putsa, ga-kulangot lang pala ang Kesong City (Quezon City) kumpara dito.

* CON: Wala nang balikan sa Maynila.

Pwede pa akong magpatuloy sa paglista ng mga pros at cons. Palagay ko, nalilinya ang desisyon ko sa Baguio City. Pero malay ko ba, baka gusto ko ng mas extreme at sa Davao City na lang ako mananahimik.

Ang challenge naman ngayon e ang paghahanap ng trabaho at matutuluyan.

Kung merong nagbabasa nito na naninirahan sa mga lugar na nabanggit, pwede niyo akong tulungan sa pagpapasya. Baka pwedeng maki-tuloy muna sa inyo.



Picture Of The Day



Music: None.
Mood: Lazy.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails