Monday, February 25, 2013

Kwentong Tanga

Nagmamadali akong umalis sa bahay isang umaga. Male-late na naman ako sa opisina, at sa pagkaka-alam ko nu'n e isang late na lang e ga-graduate na ako.

'Yung normal kong 45 minutes sa banyo para maligo, naging 15 minutes na lang. Pagkatapos, nagmamadali na akong magbihis. Medyo natagalan pa rin akong pumili ng isusuot pero alam kong kukulangin na ako sa oras. Nagsuklay, nagpabango, at kinuha na ang mga gamit na regular nang nakikita sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ako umaalis hangga't walang mga bagay na ito sa pantalon ko: mobile phone, panyo, lighter, wallet.

So tapos na ako magbihis, 'di ba? Pinatay ko na ang lahat ng appliances ko sa kwartong inuupahan ko, dali-daling lumabas, lumakad na semi-takbo hanggang sa terminal, at sumakay sa jeep.

Ano'ng oras kaya ako makakadating sa office? Ilang minuto na lang ang meron ako? Dumukot ako sa bulsa ko para tingnan ang telepono ko. Nanlaki ang mga mata sa nadukot ko.

Remote control ng cable TV.



Picture Of The Day


True story.

Music: None.
Mood: Semi-optimistic.

7 comments:

  1. Hahahahha! Super LOL.. ;-) Wala ka pa ring kupas, Jakey.. Namiss ko tong blog mo...

    ReplyDelete
  2. Ang talino lang, bord. GYAHAHAHAHAHAHA! XD

    ReplyDelete
  3. HAHAHAHAHAHA JAKEEEY ikaw naaaa!!! namiss ko blog mooo :)

    ReplyDelete
  4. Hi.. sobrang natawa ako last part haha.. nice one.. :)

    ReplyDelete
  5. LOL. I've been a fan of yours since 07.

    ReplyDelete
  6. epic... hahaha! bihira na ako makabasa ng mga tagalog na blogs... :P

    http://psychochicklessons.blogspot.com/2013/03/how-to-go-clubbing-for-first-time-oo.html

    ReplyDelete
  7. hahahha. Laughtrip. Nice blog;)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails