Sunday, July 14, 2013

Jakey Junkie's Manila Sound

(Edit: Kaya pala ang dali kong naisulat ito, Sunday pala kasi ngayon.)

Hindi ko naman ikinakahiya kung ilang taon na ako. 29 na yata ako sa darating na Disyembre.

At dahil diyan, ang isa sa mga trip ko talagang tugtugan e 'yung tinatawag na "Manila Sound." 'Eto 'yung mga kantang uso bago dumating ang OPM as we know it. Actually, 'yung iba sa mga hindi ko pinagsasawaang tunog e 'yung galing sa mga panahong bago pa ako pinanganak. Hindi ko pa rin maipaliwanag ngayon kumbakit trip na trip ko ang tugtugan oldies. Siguro kasi, hindi naman nating maikakaila na iba na ang OPM ngayon.

Nu'ng isang araw na gumawa ako ng playlist sa opisina namin, 'eto ang mga masasabi kong "personal favorites" ng Manila Sound, at naglagay din ako ng ilan sa mga kanta nila para (1) ma-refresh ang memory niyo, (2) sa mga 90s babies na hindi alam ang mga artists at mga kanta ng panahong ito, at (3) aminin na ganu'n na talaga ako katanda:

VST and Company

1) Rock Baby Rock
2) Awitin Mo, Isasayaw Ko
3) Ikaw Ang Aking Mahal
4) Ipagpatawad Mo
5) Magsayawan

The Boyfriends

1) Dahil Mahal Kita
2) Nais Kong Malaman Mo
3) Sumayaw, Sumunod
4) Bakit Labis Kitang Mahal
5) Dance With Me

Hotdog

1) Manila
2) O, Lumapit Ka
3) Miss Universe Ng Buhay Ko
4) Bongga Ka 'Day
5) Annie Batungbakal

Kulang na kulang pa 'yan. Wala pa diyan 'yung sa Asin, Sampaguita, APO Hiking Society, Rey Valera, Cinderella, at marami pang iba.

Sa ngayon, baka naririnig mo na lang itong kinakanta sa videoke ng mga uncle mo.

Picture Of The Day



Music: Hotdog - Annie Batungbakal
Mood: Complacent.

7 comments:

  1. I love these sounds too! Always a trip back to memory lane! =)

    http://thisislovelee.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. I love listening to those kind of music as well.. specially the Bakit labis kitang mahal and Dahil mahal kita.. Ang sarap sa tenga:)

    ReplyDelete
  3. Manila Sound FTW! :) Sana may mahanap pa akong CD ng VST. :)

    ReplyDelete
  4. Read 3 posts of your blog and I am really entertained. :) Followed you.

    XX, IamJenniya

    ReplyDelete
  5. Occasionally naririnig ko pa rin yung iba. Classic na yata. BTW, yung pic of the day--LOL. That made my day! LMAO

    ReplyDelete
  6. wow! parehas tayo jake! gusto ko rin ang mga oldies. That made me feel relax and fall asleep hehe

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails