Thursday, July 25, 2013

Random Things Na Nami-Miss Ko (Part 1)

Madalas naiisip ko, nasaan na ba 'yung mga kinagigiliwan naming mga laruan, pagkain, at TV shows dati?

Kung ako ang tatanungin, maswerte ang mga bata ngayon dahil lumalaki sila kasabay ng mga gadgets at smartphones, at sa mga palabas na para sa iba ay nakakakunot na ng noo. Pero mas maswerte pa rin kaming nga 80s babies kasi imbes na nakatanga kami sa Facebook, andu'n kami sa labas at naglalaro, at mas astig ang mga palabas noon sa TV (biased?!).

ViewMaster

ViewMaster
Source: Snapily

Ang laruan na ito ang isa sa mga makakapag-legitimize na ikaw ay isang 80s baby. Ang laruan ding ito ay isa sa mga bragging rights na ipinang-iingit mo sa mga kalaro mo (at kadalasang pinagmumulan ng gulo). Sa pagkaka-alala ko e nagkaroon ako ng mga Viewmasters na Disney ang mga main characters. Bukod sa suking tindahan, ang alam ko ay inilalako din ito sa isang kariton na kelangang magbayad ang mga bata para makabunot. Kulay red yata 'yung ViewMaster ko. At sa bawat pagsilip ko dito, parang nate-teleport din ako patungo sa ibang dimensyon. Asan na kaya 'yon?

Family Computer


Aba siyempre. May unwritten house rule para sa akin dati. Hindi ako pwedeng maglaro ng Family Computer kapag hindi ako natulog sa tanghali. At laging alas-kwatro ako ng hapon nagsisimulang maglaro. Actually, utang ko sa Family Computer ngayon kaya lagi akong tumatagal sa Tetris. Naalala mo pa ba ang mga larong Battle City, Ice Climber, City Connect, Mappy, The Goonies, Road Fighter, Donkey Kong, Karateka, Pooyan. At dahil ako 'yung panganay, ako lagi 'yung Player 1.

Gee! Your Hair Smells Terrific!


Hindi ko na ma-confirm kung talagang mabango ang buhok mo buong araw kapag gumamit ka ng shampoo na ito. Pero ang naalala ko e astig ka kapag ito 'yung shampoo mo. Teka, special mention din pala dito 'yung Johnson's Baby Shampoo (with No More Tears formula!) na kulay ginto. Pero, mas memorable pa rin para sa akin 'yung GYHST. I think 'yung kulay blue na bote ang mas madalas naming gamitin. Ah okay, ito rin pala ang pabango ng crush ko nu'ng Grade 3 pa kami!

Magic Spring


Sino ba naman ang hindi makakalimot sa craze na ito nu'ng 90s (at elementary student ka)? Nagsimula sa isa, sa dalawa, hanggang sa naglipana na sa buong classroom ang laruan na ito. Tapos nagkalat din ang mga nagtitinda nito sa kalsada. Ang alam ko, may mga variety of sizes pa nga 'yan. Pero ang malupit na stunt na ginagawa ko dito noon e 'yung papababain ko siya sa hagdan ng school namin. Hindi na ako sure kung kaya ko pa gawin 'yan ngayon.

Gumamela Bubbles


Source: Wikipedia

Madalas kaming namimitas ng bulaklak ng gumamela sa may kapitbahay namin. Pero siyempre hindi kami papahuli. Tapos ibababad namin ang mga gumamela sa tubig, lalagyan ng Tide Ultra, dudurugin, at hahaluin. Yehey, bubbles! Nakakapang-recall ng pagkabata ko ang mga bulaklak ng kalachuchi (mabango) at santan (may sisipsipin duon) pero lasting memory para sa akin 'yung gumamela at ang paggawa ng bubbles. Ngayon sabihin niyo, ginawa niyo rin ba ito?

Abangan ang mga susunod pang yugto ng mga random things na nami-miss ko. Kung meron din naman kayong mga bagay na nakakapagpa-alala ng inyong kabataan ay sabihin lamang sa comments at ibahagi sa akin. Baka kasi alam ko rin 'yan at isulat ko na rin sa mga susunod pang episode, tulad ng Vicor multiplex, 'yung relo sa RPN 9, 3 o'clock habit, 'yung pencil case na may maze, at iba pa. Astig!

Picture Of The Day


The Coffee Cycle! (Monday Thru Friday)

Music: VST & Company - Step No, Step Yes
Mood: Blank

7 comments:

  1. Ang galing nang pic of the day! Coffee Cycle! Coffee adik here!

    ReplyDelete
  2. Unfortunately ung mga bagay na un ay wala ako nung bata ako , nung nakita ko ung mga picture naalala ko lng kung paano ung ibang bata meron sila dati at ako wala

    ReplyDelete
  3. Relate ako sa magic spring. Saka sa santan, masarap yun. lol. Pero hindi ko pa natry yung gumamela. Hays, sarap talaga balikan ng kabataan. Nakakanostalgia. :D

    ReplyDelete
  4. Family computer! Namimiss ko maglaro ng battle city kung saan pag gusto ko ng star babarilin ko kakampi ko para di nyako maunahan! hehehehe

    ReplyDelete
  5. I'm a 90s kid, at ang dami kong namimiss! Sa totoo lang, di ako agree sa sinasabi ng iba na maswerte ang mga bata sa generation ngayon. Mas bet ko pa rin ang generation ko, at pati na rin ang sa'yo! ;)

    Random things na namimiss ko: Big Boy chewing gum, text at pog, jackstone, pick-up sticks, mga Tagalized anime tuwing hapon (sakto sa uwian galing school), Santan nectar.

    ReplyDelete
  6. I'm an 80s kid also.. LOL.. so familiar ako jan! View master, family computer, magic spring and gumamela bubbles- CHECK! - I'm not familiar with GYHST. hehe

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails