Tuesday, September 3, 2013

Para Kay Darling

Para Kay Darling
ni Jakey Junkie

Nu'ng una kitang makita,
"Pwede na 'to," sabi ko pa.
Hindi ko pa inakala
Na ako'y mahahalina.

Ilang buwan pa ang nagdaan,
'di masyado nagpansinan.
Ako'y sinusupladahan,
At ika'y hinahangaan.

Sa ngiti mo, ako'y wasak.
Sa boses mo, ako'y biyak.
Puso ko'y iyo nang hawak,
Mukha man akong bayawak.

'Pag ang boses mo'y narinig,
Sadya akong kinikilig.
Si Jinri Park iyong daig.
Ikaw lang ang nananaig.

Panalangin ng puso ko,
Ako nama'y pansinin mo.
Dahil ako ay seryoso.
Ikaw lang ang aking gusto.

Ba't ang hirap mo ligawan?
Ika'y hindi maunawaan.
Isip mo'y 'di ko malaman.
Trip lang ako pahirapan?

Ang tanging bisyo ko'y ito:
Ibigin ka, buong-buo.
Walang maipapangako
Kundi ligaya lang, oo.

Ikaw ang nag-iisang darling.
Ako nga'y nahuhumaling.
Kailan ka makakapiling
At magkaro'n na ng supling?

Ay, joke lang 'yung huling linya.
At seryoso, mahal kita.
Gusto kang yakapin, sinta,
Gabi at hanggang umaga.


Picture Of The Day


Exactly my point. Monday Thru Friday

3 comments:

  1. humihirit pa sa huli .haha..

    nakakatuwang basahin :)

    ReplyDelete
  2. supling agad. LOL Pinabasa mo na ba sa kanya? Sasagutin ka na nun pag nabasa to. Sure yun! hehehe :3

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails